Sinusuportahan namin ang mga browser, hindi mga dinosaur. Mangyaring i-update ang iyong browser kung gusto mong makita nang wasto ang nilalaman ng webpage na ito.
Windows 10 full protection

Mahalang impormasyon para sa mga user ng Windows XP

Pinoprotektahan pa rin ng Avast Free Antivirus ang mga may-ari ng Windows XP sa mga regular na update ng kahululgan ng virus. Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi na kami makapagbibigay ng mga update ng program, mga bagong tampok, bug fix, o suporta para sa Windows XP. Lubos naming inirerekumenda na mag-upgrade sa pinakabagong bersyon ng Windows. (Tandaan, itinigil ng Microsoft ang mga update na pangseguridad para sa Windows XP noong nakaraang 2014.)

Safe upgrade to Windows 10

Maayos na tumatakbo kahit na sa Windows XP

Tinawag ng AV Comparatives Avast “ang antivirus na may pinakamababang epekto sa performance ng PC”. Halos wala itong epekto sa performance ng iyong Windows XP. At saka, ang mga advanced na tampok tulad ng Cleanup at Browser Cleanup ay ginagawang tumakbo nang mas mabilis pa ang mga bagay.

Approved antivirus for Windows 10

Opisyal na antivirus para sa Windows XP!

Matagumpay na nasubok ng AV Comparatives ang Avast laban sa malware sa Windows XP. At ang pagiging opisyal na provider ng seguridad sa software ng consumer ng Windows XP ay Isa pang dahilan kung bakit higit pa sa milyong 435 user ay pinagkakatiwalaan ang Avast.

Mga Kinakailangan ng System

Kaunti lang ang kailangan mo para protektahan ang iyong device gamit ang Avast. Ang kailangan mo lang ay PC na may 256 MB+ RAM at 1.5 GB ng hard disk space. Kung may ganoon ang iyong Windows XP na PC (na malamang na mayroon), pwede ka nang magsimula.

Ang Avast Antivirus ay kabagay sa Windows 11, 10, 8.1, 8, 7, Vista*, XP SP3**

Hahandugan ka rin ng Avast ng mga solusyong pangseguridad para sa iyong Android at Mac


* sinusuportahan hanggang Dis. 2022
** bersyon ng Avast Antivirus < 19.1

Nagsalita na ang mga tao

At gusto naming makabalita rin sa iyo. Pagkatapos ng lahat, ikaw ang dahilan kung bakit tayo naririto.

Avast Free Antivirus para sa Windows 10
R.

3/7/2016

5

Malinis, madali, at gumagana ito.

Avast Free Antivirus para sa Windows 10
Migena

9/7/2016

4

Ito'y napakadaling programa

Avast Free Antivirus para sa Windows 10
wael

24/5/2016

5

madaling gamitin < pinakamahusay ito

Avast Free Antivirus para sa Windows 10
Terrie

2/8/2016

5

Gusto ko ang Avast, ginamit ko na ito nang hindi bababa sa 5 taon o maaaring mas matagal pa, patuloy kong gagamitin ito

Avast Free Antivirus para sa Windows 10
wael

24/4/2016

5

madaling gamitin < pinakamahusay ito

Avast Free Antivirus para sa Windows 10
Tommy

26/1/2016

5

madaling gamitin at i-download

Avast Free Antivirus para sa Windows 10
Anna

19/0/2016

5

Nagustuhan ko na pinoprotektahan nito ang aking computer, cell phone at kahit ang iPod ko. At kailangan ko lang magkaroon ng isang account! Napakadali

Avast Free Antivirus para sa Windows 10
Coke

1/12/2015

5

Maraming taon nang ginagamit ang software na ito, gusto ko ito and marami sa kaibigan at pamilya ang gumagamit din nito. Kung nahawahan ang iyong computer diretso itong napupunta sa base ng iyong O.S. at pinapatay ang virus. Gusto ko ito!

Avast Free Antivirus para sa Windows 10
Kimberly

27/11/2015

5

Ito ang pinakamahusay na antivirus sa merkado. Napakagaling at madaling gamitin. Talagang paulit-ulit na gagamitin.

Para masimulang gamitin ang Avast, sundin lang ang tatlong madaling hakbang na ito:

1I-download ang installer sa pamamagitan ng pagki-click dito.

2I-right-click ang installer at i-click ang "patakbuhin bilang administrator".

3I-click ang "I-install".

4Kapag nawala ang progressa bar, pinoprotektahan na ang iyong PC.

At tapos na iyon! Ang iyong PC ay 100% nang secure.

FAQ

Sinusuportahan pa rin ba ng Avast Antivirus ang Windows XP?

Bagama't maida-downlaod mo pa rin ang Avast Antivirus para sa Windows XP, itinigil na namin ang aming suporta para sa bersyong ito ng aming antivirus. Habang kaya pa rin nitong protektahan ka mula sa malware, bilang ang Mga depinisyon ng virus (kung paano namin inaalam aling file ang maaaring maglaman ng malware at alin ang ligtas) ay patuloy na ina-update, ang mismong antivirus ay may kakulangan sa maraming mga tampok at pagpapahusay na nararanasan ng mga gumagamit ng Windows 7 o mas bago pang mga operating system. Mas mabuti na ito kaysa sa wala, pero kung nais mo ng tunay na proteksyon online, aming inirerekomenda ang pag-update sa mas panibagong bersyon ng Windows na mayroong mas mahusay na Avast compatibility.

Magagamit ba ang Windows Defender sa XP?

Sa kasamaang palad, ang Windows Defender ay hindi naka-built in sa Windows XP o maging kasama sa installation. Sa halip, kakailanganin mong mag-download ng Microsoft Security Essentials para sa first-party na proteksyon, na parehong luma na at nagbibigay lang ng lubhang napaka-basic na antas ng seguridad. Lubos naming inirerekomendang gumamit ng third-party na antivirus para protektahan ang Windows XP PC mo.

Bakit ang Avast ang isa sa mga pinakamahusay na antivirus app para sa Windows XP?

Ang Avast ang isa sa mga pinakamahusay na antivirus app para sa Windows XP, kahit na hindi namin ito teknikal na sinusuportahan. Una, isa kami sa ilang natitirang Windows XP mga antivirus na nag-aalok pa rin ng produkto na may napapanahon na Mga depinisyon ng virus, na nangangahulugan nna maaari ka pa rin naming maprotektahan mula sa pinakabago, pinakadelikadong mga banta online. Dagdag pa rito, isa kami sa pinakapinagkakatiwalaang antivirus sa Windows kahit ano pang operating system ang kasalukuyan mong ginagamit. Panghuli, ang aming antivirus ay may kasamang mga advanced na tampok, tulad ng pag-scan at pagtanggal ng rootkit, at mga tool na nagtatanggal ng adware mula sa iyong sistema.

Ano'ng mangyayari sa antivirus ko kung ia-upgrade ko ang aking OS mula sa Windows XP?

Lubos naming hinihikayat na i-upgrade mo ang iyong Windows XP: alin pa man ang iyong ginagamit na antivirus, ang iyong data ay makatatanggap ng mas mainam na proteksyon kasama ng mas up-to-date na operating system, tulad ng Windows 10.

Subalit, kung pipiliin mo nang mag-upgrade mula sa Windows XP, kakailanganin mong i-uninstall at i-reinstall ang iyong antivirus software, na maaari mong gawin nang libre. Kapaki-pakinabang kung nagpaplano kang lumipat sa Windows 10 at gusto mong gamitin ang Avast Antivirus para sa Windows 10 Kung mayroong kang bayad na bersyon ng aming produkto, ang Avast Premium Security, maaaring kailanganin mong ilagay muli ang code para mapagana para mapanatili mo ang mga bayad na tampok.